Nag-ibang ihip ng hangin
Ang kalangitan ay bigla ring dumilim
Buong paligid ay natatamlay
Makukulay na bagay ay biglang nalulumbay
Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Gagaan ang bigat na dinaramdam
Luha may di mapigilan
Titila rin ang ulan
Mapapawi ang kirot' hapdi
sa pagngit ng bahaghari
Nalagas man ito ay sisibol muli
Pinsala ng paglisa'y ubod ng hapdi
Walang hangganan ang pag-ikot ng oras
Lahat na mapipitas, matitingkad man ay kukupas
Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Gagaan ang bigat na dinaramdam
Luha may di mapigilan
Titila rin ang ulan
Mapapawi ang kirot' hapdi
sa pagngit ng bahaghari
S'ya lang ang may alam at nagmamay-ari
sa lahat ng nilalang
Luntiang likha, sa lupa ay malalanta.
S'ya lang ang may alam at nagmamay-ari
sa lahat ng nilalang
Luntiang likha, sa lupa ay malalanta.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Gagaan ang bigat na dinaramdam
Luha may di mapigilan
Titila rin ang ulan
Mapapawi ang kirot' hapdi
sa pagngit ng bahaghari
Mapapawi ang kirot, hapdi
sa pagngit ng bahaghari....
Mapapawi ang kirot, hapdi
sa pagngit ng bahaghari....

